Ikinatuwa ni Basilan Representative Mujiv Hataman ang naging commitment ng Department of Budget Managent (DBM) para magdadagan ang pondo ng Marawi Compensation Program para sa taong 2024.
Una ng inihayag ni hataman na kulang ang P1 bilyong nakalaan para sa libo-libong claims na nai-file ng mga biktima ng digmaan sa Marawi.
Nakipag-ugnayan ang DBM sa Appropriations Committee Vice Chair Rep. Stella Luz Quimbo kahapon sa pagsisimula ng plenary debates para sa proposed 2024 national budget.
Binigyang-diin ni Hataman na lubos siyang nagpapasalamat sa DBM at maging sa appropriations committee ukol sa dagdag na pondo para sa Marawi Siege Victims Compensation Act of 2022.
Sinabi ni Hataman nasa 4,000 claims na ang na- verified kaya mahalaga na simulan na ang pamamahagi.