Pitong taong gulang ako ng magdesisyon ang aking mga magulang na permanenteng manirahan sa Laguna, ang home province ng tatay ko.
Sa isang compound kami nakatira malapit sa ancestral home ng aking lolo at lola.
Sa murang edad, exposed na ako sa kusina ..oo sa kusina para manood kung paano magluto ng ulam ang mga tiyahin ko, mula sa ginataang ayungin at sinalab na dalag.
Palagi akong isinasama ng tita at ninang ko na rin sa binyag sa pagluluto niya ng siopao at ang masarap na leche flan.
Pero mas nagkaroon ako ng interes sa pagbe-bake ng tita ko.
Ang chiffon cake.
Maingat sa pagsasama sama ng ingredient, dapat tama ang sukat ng cake flour at sugar.
Pati ang paghihiwalay ng pula at puti ng itlog. Wala dapat kahit patak na egg yolk sa white dahil hindi ito aalsa.
Bukod pa sa may partikular na sistema kung paano ito haluin.
Matiyaga ako nanood at naghintay sa oven hanggang sa maluto .
Naramdaman ko ang tuwa ng makita ko ang finished product at syempre ang paborito ko sa lahat, ang pagtikim sa nilutong cake.
Umuwi ako sa bahay namin na dala sa isip ko na paglaki ko ay magbe-bake din ako ng maraming cake at magtatayo ako ng bakery.
Noong panahon ko kasi parang dagdag ganda points sa mga babae ang marunong mag-bake.
Noong nasa college ako, nawili akong manood sa katapat naming bahay sa Quezon province dahil magaling mag-bake ng cake ang maybahay rito.
Kumita siya ng pera kahit sa bahay lamang dahil sa homemade birthday cake na ino-order sa kanya.
Dahil sa pangarap ko nga ang maging baker,bumili ako ng mga gamit sa baking katulad ng hand mixer at mini oven.
Sinubukan kong mag bake ng chiffon cake pero hindi ito umalsa kahit tama naman lahat ang ginawa ko pero bakit parang naging pudding.
Matapos ang ilang trial at error, umalsa na at naging katulad na ito ang mga chiifon cake na ibinibenta sa bakery.
Hindi nawala ang pangarap kong maging mahusay na baker kahit nakapagtrabaho ako bilang reporter.
Dahil magpapasko noon at gusto ko gumawa ng pang regalo sa mga kaibigan at officemates.
Naisip ko ang fruitcake na ihandog sa mga kaibigan at officemates.
Natuwa naman ako dahil nagustuhan ng mga niregaluhan ko ang niluto kong fruitcake.
Isa sa mga kaibigan ko ang nagsabi na nagustuhan rin ito ng kanyang mga kaibigan kaya umorder siya sa akin ng sampung piraso pa.
Hanggang dumami sila na gusto nila na iregalo at gawing handa sa Pasko at New Year.
Ang hobby ko na baking hindi ko akalain na mauuwi sa maliit na negosyo tuwing Holiday Season.
Nag enroll ako mga baking class para mas mahasa at mas marami pa akong mai-bake.
Bukod sa pagiging hobby, therapeutic sa akin ang baking, pang alis stress sa dami o tambak na trabaho.
Baking? Why not!