IPINAKULONG ng Senado si France Garcia Ruiz, ang amo na nanakit at nang-abuso sa kasambahay na si Elvie Vergara na nagresulta ng kanyang pagka-bulag.
Ito ay matapos magdesisyon ang Senate Committee on Justice and Human Rights na i-contempt ito sa kadahilanan ng pagsisinungaling.
Naniniwala ang mga senadpr na siya ang nasa likod ng lahat ng pananakit at pagtamo ng mga sugat ini Vergara.
Noong una ay nais sana ng mga senador na ikulong sa Pasay City Jail ang amo ng biktima subalit matapos ang ilang sandaling pag-suspende sa pagdinig ay binawi ang desisyon.
Tinukoy naman ni Senador Francis “Tol” Tolentino, Chairman ng komite ang pagpapakulong kay Ruiz ay dahil sa patuloy niyang kabiguang sagutin ang taong nga mga miyembro ng komite at pagsisinungaling batay sa ginagawang pagtatanong ng mga senador.
Binigyang-diin ni Tolentino na dahil sa kautusan at desisyun ng senado na ma-contempt si Ruiz ay agad na ipinag-utos ng Senador sa pamunuan ng Senate sergeant at arms na ikulong sa isang lugar sa senado ang amo ng kasambahay.
Sa kabila ng pagkakakulong ini Ruiz ay maari naman itong makita o mabisita ng kanyang pamilya at abuagdo.
Si Vergara ay nabulag matapos na dumanas ng masahol na pang-aabuso sa kanyang amo simula pa noong 2020 at nagawa lamang makatakas ng 44-taong gulang na kasambahay.
Pinabulaanan ni Ruiz at ng kanyang asawa na kanilang inabuso ang kasambahay.