Sinibak ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr. ang acting superintendent ng Davao Prison and Penal Farm matapos tumakas at maaresto muli ang isang person deprived of liberty (PDL).
Sa isang kalatas, sinabi ni Catapang na ang pagsibak kay dating Superintendent Rufino Martin noong Lunes ay dahil sa naantalang ulat niya sa kaugnay sa pagtakas ni PDL Jundee Caño mula sa minimum security compound noong 13 Setyembre.
Anang BuCor, muling nadakip si Caño noong 17 Setyembre ngunit ngayon lamang ipinabatid sa kawanihan.
Naaresto si Caño sa isang hot pursuit operation sa mga miyembro ng Damulog Municipal Police Station.
Giit ni Catapang, ang mga insidente ay dapat ireport agad.
“If there are any untoward incidents in various colonies, I don’t want to be the last to know, so this will serve as a warning to all BuCor officials,” sabi ni Catapang.