Umapela si Senate President Juan Miguel Zubiri sa embahada ng China sa bansa na kanyang pagsabihan ang kanilang militia vessels na itigil na ang paninira sa Wanton na bahagi ng West Philippine Sea (WPS).
Ayon kay Zubiri, sinisira nila ang kinabukasan ng mga Filipino patungkol sa food security kung sakaling tuluyang masira ang ating coral reefs sa Escoda (Sabina) Shoal.
Iginiit ng Senate president na hindi na makatuwiran pa ang ginagawang banta sa global food security ng puwersa ng China.
Tinukoy ni Zubiri na anumang uri ng yamang dagat na nakukuha sa naturang lugar ay hindi lamang pinakikinabangan ng mga mangingisdang Filipino kundi maging ng mga taga- Malaysia,Vietnam at mga Chinese.
“So it is for the good of the world if our coral reefs are protected. That’s why I’m really very mad,” aniya
Kinausap niya si Sen. Sonny Angara, chairman ng Committee on Finance na tiyaking madagdagan ang pondo ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Navy (PN0 para sa taong 2024 upang makatulong na makabili ng dagdag na bangkang pang-patrolya at iba pang mga kagamitan.
Binigyang-diin ni Zubiri na panahon na upang higit na palakasin ang Navy at Coast Guard sa pagbili ng mga sasakyang panghimpapawid, patrol crafts at marine research centers.
May suspetsa si Zubiri na ang pagsira sa mga seabed ng shoal ay bilang paghahanda para sa aktibidad ng reklamasyon sa naturang area.