Pang-anim na top source ang Pilipinas ng hindi dokumentadong immigrants sa Estados Unidos base sa report ng Migration Policy Institute sa Washington, DC.
Nasa tinatayang 309,000 ang populasyon ng undocumented Filipinos noong 2021.
Sa kabuuan, ang tinatayang hindi awtorisadomg immigrant population sa US ay nasa 11.2 million noong 2021, tumaas ito mula sa 11.0 million noong 2019 at pinakamataas na tunanag paglobo ng immigrants simula noong 2015.
Ang Mexico, Guatemala, El Salvador, Honduras, India, Venezuela, China, Colombia at Brazil naman ay ang 10 pinakamalaking populasyon na undocumented sa US.
Ang paglobo ng hindi dokumentadong populasyon sa US ay dahil sa isang dekada nang pagbaba ng hindi awtorisadong imigrasyon ng Mexico at ang dumaraming mga nasyonalidad na dumarating sa borders ng U.S at Mexico at nag-ugat sa visa overstays ng mga migrante mula sa iba’t ibang panig ng mundo.