May malakihang dagdag na naman sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayon, Setyembre 19, 2023.
Sa magkakahiwalay na abiso nitong Lunes, inihayag ng Chevron Philippines Inc. (Caltex) at Pilipinas Shell Petroleum Corp. na madadagdagan ng P2.00 per liter ang presyo ng gasolina, P2.50/L naman sa diesel, at P2.00/L sa kerosene.
Kaparehong taas-presyo din ang ipagtutupad ng Cleanfuel , maliban sa kerosene na wala sila.
Ipatutupad ng Shell ang taas-presyo nila sa ganap na 6 a.m. sa Martes, September 19, habang 12:01 am naman ang Caltex, at 4:01 p.m. naman ang Cleanfuel.
Nitong nakaraang linggo, P0.20/L ang nadagdag sa presyo ng gasolina at kerosene, habang P0.40/L naman sa diesel.
Batay sa datos ng DOE, umabot na sa P15.50 per liter ang kabuuang itinaas sa presyo ng gasolina ngayong taon, P11.10 per liter sa diesel, at P7.94 per liter sa kerosene.
(GMA)