Excited si Marietta Subong, na mas tanyag sa screenname niyang Pokwang sa bago niyang pelikula, ang “Slay Zone” na ang may akda ng screenplay ay si Lawrence Nicomedus. Ang direktor, si Louie Ignacio mula sa Wide International Film Productions
Bidang-bida si Pokwang sa suspense at psychological thriller at slasher movie kung saan policewoman ang kanyang bibigyang buhay na katauhan.
“Dream come true para sa akin ang role na ito, gustong-gustong ko talagang maging alagad ng batas sa pelikula,” chika ni Pokwang sa story conference ng pelikula. “Intriguing kasi sa akin ang buhay ng mga women in uniform, kasi nga alam naman natin na ang mayorya ng mga pulis ay mga lalaki. Pahahandaan ko talaga ito, Pupunta talaga ako sa PNP para mag-research at makiapag-usap at pag-aralan ang pagkilos at pananalita ng mga babaiong pulis.”
Kinatutuwa niya rin na ang kasama niya sa pelikula ay ang award winning Kapuso actress, si Glaiza de Castro.\
Kwento ni Pokwang: “Dalawang beses na sa international film festivals, magkasabay ang mga pelikula namin. Sa akin yung Oda sa Wala, yung sa kanya, Liway. Kaya ngayong magkasama kaya tuwang-tuwa ako kasi isa si Glaiza na alam ko, at sigurado akong mahusay na aktres. Sa tuwing magkikita kami sa GMA, lagi naming napag-pausapan na sana magkasama kami sa isang project. Ayan, nag-manifest na siya, nagkatotoo.”
Ang isang pagkakatulad nila ni Glaiza ay ang katotohanang ang lalaking minsan kanyang minahal ay isang foreigner, at ang asawa ng kanyang co-star ay Irish.
“Ay, oo nga, panalo kami sa mga afam,”biro ni Pokwang sabay halakhak . Kunwaring hinanap nito ang asawa ni Glaiza na dumalo rin sa story conference. “Where is Glaiza’s husband? Oh… is that you? Do you have a brother? How about your dad?’ pakwela nitong pagtatanong kay David Rainey.
Blooming kung blooming at naka-off shoulder pa si Pokwang sa nasabing story con kaya hindi maiwasang matanong kung naka-move on na siya kay Lee ‘O Brian, ang tatay ng anak niyang si Malia.
“Moved on na moved on na ako kay chururut,”mabilis nitong reaksyon.”Payapa na ang buhay ko, ang focus ko ngayon ay ang aking mga anak, karera at ang aking food delivery business”.
May update na ba sa kasong sinampa niya? “Ay, bawal akong masalita tungkol kay bumble bee, wag na siya pag-usapan. Baka may masabi na naman akong mahaba-haba, Focus tayo dito sa pelikula namin ni direk Louie. First time ko siyang makaktrabaho na aarte ako. Pangako direk Louie, lagi akong maaga sa set. Kung ang call time natin ay 7am, alas-sais pa lang, andun ako sa tent ko, nag-e-emote na at nag-re-ready bilang si policewoman Corazon”.
Ang taray ni Pokwang, ginawang “he who shall not be named” ang lalaking minsan ay minahal nito. Very Voldemort lang sa Harry Potter, huh!
Umaasa ba si Pokwang na mapapansin ang husay niya bilang aktres sa pelikula? Tugon nito: “Nagpapasalamat ako sa ABSCBN dahil nga comedienne ako, binibigyan nila kami ng mga workshop kung saan nailalabas namin ang aming dramatic skills. Forever akong thankful sa kanila sa workshops na iyon kasi naging malaking tulong nung gumagawa na ako at pinag-dra-drama sa TV shows o kaya sa pelikula. Wala naman akong ilusyon na dapat mapansin na mahusay akong aktres sa mga ginagawa ko. Basta ako, binibigay ko lang yung katotihanan na kaialangan ng mga karakter na binibigay sa akin. Ang maasahan nila kay policewoman Corazon, ay isang babaing matapang, balanse ang emosyon at pag-iisip, at tiyak na matatandaan ng lahat dahil nga iba ang mga pagdadaanan niya dito sa Slay Zone.”