“Masaya tayo. We welcome it with conscious optimism.”
Reaksyon ito ni dating Kabataan partylist Rep. at ngayo’y InfraWatch convenor Atty. Terry Ridon kasunod ng pahayag ni Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity, dating Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPRU) Secretary Carlito Galvez Jr. na bubuhayin ng administrasyong Marcos Jr. ang ilang beses nang naunsyaming peace talks sa Communist Party of the Philippines/ New People’s Army/ National Democratic Front of the Philippines (CPP/NPA/NDF).
Ayon kay Ridon, ang bawat panig, gobyerno at komunistang grupo, ay magbigay ng “conscious optimism” at maging mapagbantay.
“Both parties should give conscious optimism’. Kailangan tayong maging mapagbantay . This is a departure for example doon sa ginawa ng gobyerno, sa tinatawag nilang localized peace talks pero ang talagang objective ay pasukuin ang mga tao, mag-admit sila na mga rebelde sila, I don’t think iyon ang magtatapos ng digmaan. I don’t think iyan ang magiging ideal sa huli,” paliwanag niya sa panayam sa programang “Hot Patatas” sa Daily Tribune at Dyaryo Tirada Facebook page at YouTube channel.
Sa kabila aniya ng ilang beses na pagdaraos ng peace talks at nabuong mga kasunduan sa pag-usad ng proseso ay hindi pa rin nakakamit ang kapayapaan dahil na rin sa pabigla-biglang desisyon nang pagpapatigil sa usapang pangkapayapaan, gaya noong administrasyong Duterte.
“Regimes end. Natatapos ang mga rehimen pero tuloy pa rin ang labanan sa kanayunan,” aniya.
“Ano yung aktuwal na naabot sa pagwawala niya (Duterte)?
Seryoso po at the level of the President na tuldukan itong usapin na ito, ang matagalang digmaan sa ating bansa. Each and every person, whether in government or not, should welcome this development,” dagdag niya.
Nanawagan si Ridon kay Galvez at sa Malacanang na magbigay ng dagdag na detalye sa usapin at maglabas ng kahit “verbal public commitment si Marcos Jr.
“Ang gusto nating malaman, I guess, magbigay ng further details si Secretary Galvez at the very least kung merong verbal public commitment at the level of the President, malaking bagay po ito,” sabi niya.
“Mahabang panahon ang hinintay upang makita ang tunguhin ng peace talks nitong nagdaang mga buwan o mahigit isang taon ng administrasyon.”
Ang pinaka-interes aniya ng publiko sa usapin ay kung ano ang real political, economic at social reforms dahil sa mga isyung ito naantala ang peace process sa panahon ng administrasyong Duterte,” nang bigla na lang siyang mawala sa huwisyo, parang bata na nagagalit bigla.”
Para kay Bagong Alyansang Makabayan (Bayan” secretary-general Renato Reyes Jr,“Mainam kung matutuloy upang magkaroon ng kalutasan ang ugat ng armadong tunggalian sa bansa. Sana ay maalis ang mga balakid sa resumption at sana magtuon sa socio economic reforms at hindi ang pagpapasuko sa mga rebolusyonaryo.”
Sa panayam ng Dyaryo Tirada kay Galvez noong Sabado, sinabi niya na ang tagubilin sa kanya ni Pangulong Marcos Jr. ay matuldukan bago matapos ang kanyang administrasyon sa 2028 ang mga armadong tunggalian na nagsimula sa panahon ng kanyang ama na si dating Presidente Ferdinand E. Marcos Sr.
Gusto aniya ni Marcos Jr. na maghari na ang kapayapaan upang mawalan ng hadlang ang inaasam na kaunlaran ng bansa.
Kung paano isasakatuparan ang naturang layunin sa pamamagitan ng “political settlement” lilinawin ito ni Galvez paglabas ng presidential proclamation kaugnay sa usapin.
Bilang panimula ay maglalabas ng presidential proclamation anomang araw ngayong linggo si Marcos Jr. na magkakaloob ng amnesty sa mga miyembro Moro National Liberation Front (MNLF), Moro Islamic Liberation Front (MILF), Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF), Rebolusyonaryong Partido ng Manggagawa ng Pilipinas – Revolutionary Proletarian Army – Alex Boncayao Brigade (RPM-P/ RPA / ABB) at Cordillera Bodong Administration and Cordillera People’s Liberation Army (CBA-CPLA).