Kinapos ang Filipino pole vaulter EJ Obiena laban sa isang malakas na katunggali kaya’t hindi nakuha ang gintong medalya sa Wanda Diamond League Final sa makasaysayang Hayward Field sa Eugene, Oregon noong Linggo (oras sa Maynila).
Si Obiena, ang pangalawang pinakamahusay na pole vaulter sa mundo, ay nagrehistro ng 5.82 metro upang pumangalawa kay Armand Duplantis ng Sweden, na nag-reset ng kanyang sariling rekord sa isang hindi kapani-paniwalang 6.23-meter na pagganap upang masungkit ang gintong medalya ng prestihiyosong kaganapang ito.
Nakuha naman ng two-time world champion na si Sam Kendricks ng United States ang bronze medal sa pamamagitan ng countback matapos siya at ang Australian Kurtis Marschall at world No. 2 Chris Nilsen ay nagposte ng magkaparehong 5.72-meter marks, habang sina Ben Broeders ng Belgium at KC Lightfoot ng US ay
nagtala ng ikaanim at ikapitong puwesto na may 5.52 metro.
Sinimulan ng 27-anyos na si Obiena ang kanyang bid sa pamamagitan ng pag-clear ng 5.62 meters matapos na lampasan ang panimulang taas na 5.52 meters.
Pagkatapos, nalampasan niya ang susunod na taas na 5.72 metro at dumiretso sa 5.82 metro na nagawa niyang i-clear pagkatapos ng dalawang pagsubok.
Pumasa siya sa 5.92 meters at tinangka niyang lampasan ang national at Asian record sa pamamagitan ng pagsubok sa 6.02 meters ngunit nabigo siya.
Ito ang ika-14 na podium finish ni Obiena ngayong season at pang-apat na sunod matapos manalo ng mga gintong medalya sa ISTAF Berlin at sa NetAachen Domspringen sa Germany, at isang bronze medal sa Memorial van Damme sa Belgium.
Pinalakas din niya ang kanyang kumpiyansa sa pagtungo sa 19th Asian Gamesa sa Hangzhou kung saan siya ay papasok bilang mabigat na paborito para sa paghawak ng continental record na 6.0 meters.
“Some are heading back home. Someone is getting married. Everyone is getting ready for the off-season,”
pahayag ni Obiena sa isang post sa social media.
“We? We are gearing up for the Asian Games in Hangzhou, China.”
Ngunit talagang mapalad ang araw para kay Duplantis.
Matapos maitala ang rekord na 6.22 metro sa Clermont-Ferrand, France noong Pebrero, muling umangat si Duplantis, na nag-post ng mahusay na 6.23-meter na pagtalon, na ikinatuwa ng banner crowd.
Pitong beses nang nai-reset ng 23-anyos na si Duplantis ang world record. Lima sa mga markang iyon ay itinakda indoors, kasama ang kanyang outdoor world marks
mula sa Hayward Field sa Eugene, na nanalo siya ng world title noong nakaraang taon.
“I’m two for two right now on world records coming here to Hayward,” sabi ni Duplantis.
“It has absolutely everything. It has history, it has the modern touch. The track is really fast, the crowd and energy is fantastic.”
Napanatili ni Duplantis ang kanyang world title sa Budapest noong nakaraang buwan na may clearance na 6.10 meters at na-clear ang 6.12 meters sa Ostrava noong Hunyo.
Nabigo siya sa sunud-sunod na mga pagtatangka sa 6.23 metro mula noong Pebrero, kabilang ang sa Brussels noong katapusan ng linggo, ngunit sinabi na ang mas maliit na larangan sa finals ay mas nakakatulong sa isang pagtatangka ng rekord.
“I think that it’s a lot easier to be fresh at that world record height,” sabi niya.
Nakuha na ni Duplantis ang panalo sa taas na 6.02 metro — ang ika-73 clearance sa kanyang karera na mahigit anim na metro.
Sa kanyang unang pagsisikap sa 6.23 metro, kasabay nang pagsigaw ng mga tao, sumampa siya sa runway at naglayag.
“I just try to jump high,” ani Duplantis, na kompiyansang mas mapagaganda pa niya ang record.
“The limit is very high, and I hope that I can continue to jump well and keep jumping higher than I did today.”