Burado na sa Facebook pahina ni Francine Garcia ang larawan nila ni Luis Christian Singson na talaga naman ang datingan, parang kuha habang sila ay nasa nakakakilig na pulot-pukyutan.
Si Garcia ay isang transwoman star, vlogger, fashion model at beauty queen na minsan ay hinirang na Super Sireyna Queen of Queens sa EAT Bulaga.
Si Kim Chiu ang unang peg ni Francine at sa ngayon ay si Heart Evangelista na ang kanyang look at style inspiration,
Ang isa sa naging pinaka-makulay at pinag-usapang ka-relasyon nito ay ang sa kanila ni model at naging BL star na si Genesis Redido. Ex –boyfriend na niya ni Genesis bago ang big reveal ng kanilang relasyon kasi nga ayaw ni Francine na “makasira” ang kanilang pagmamahalan sa nagsisimula pa lamang na showbiz karera ni Redido.
Si Luis Christian Singson ay anak ni business tycoon Chavit Singson at tinaguriang Prince of the North. Naging panuahin ito ni Francine sa kanyang TikTok show kung saan pinangako nito sa transwoman TikTok content creatoir na dadalhin siya sa private resort ng mga Sigson na matatagpuan sa Sulvec Narvacan, Ilocos Sur na ang arkitektura at disenyo ay parang Santorini, isang sikat na isla sa bansang Gresya.
Ang diwata ng kagandahang si Francine hindi maitago ang katuwaan na ang ipinangako sa kanya ni Christian ay tinotoo ng binatang makisig.
Ang mga larawang bumuluga na ngayon ay naglaho na, masisilayan na two piece swimsuit ang saplot ni Garcia at hubad baro si Singson, lantad ang gym fit na pangangatawan nito, na may seksing-seksi mga tattoo at itim ang beach shorts na suot.
Mas lalong naging mausisa ang lahat sa mga larawang itinago na dahil sa FB pahina ni Luis Christian, nakahayag dito na siya ay “in a relationship” at ang mga netizen na matataba ang utak, buon ang pananalig na ang transwoman vlogger na nga ang ka-relasyon ng anak ni ginoong Chavit Singson.
Iniintriga ang relatively wholesome pictures nina Francine at Luis Christian, dahil sa agarang nawala ang mga ito. Kung ito ay vlog content, siguradong may pagsang-ayon si young master Singson/ Pati ang maikling reel na medyo may kalabuan ang kuha pero kitang-kita na naglalakad ang dalawa na parang mag-jowa ang datingan ay wala na rin.
Gen Z times na at ang special na pakikipag-ibigan nina Francine Garcia at Luis Christian Singson ay dapat pinapangalandakan at ipinagdiriwang dahil pambihirang pagkakataon na may isang transwoman at barakong totoo ay maligaya sa pagiging magkaibigan.