Hinihimok ng World Health Organization chief ang China na magbigay ng higit pang impormasyon hinggil sa pinagmulan ng COVID-19 at handa itong magpadala ng pangalawang team para ma imbestigahan ang bagay na ito.
Inihayag ito ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus matapos ang mga komento mula sa ilang health authorities at pharmaceutical companies sa buong mundo na patuloy ang pag-update sa mga bakuna para labanan ang mga bagong umuusbong na coronavirus variants.
Matagal nang pinipilit ni Ghebreyesus ang China na ibahagi ang impormasyon nito tungkol sa mga pinagmulan ng COVID-19.
Matatandaan na ang virus ay unang nakilala sa lungsod ng Wuhan sa China noong Disyembre 2019, kung saan marami ang naghihinala na kumalat ito sa isang live animal market bago kumalat sa buong mundo at pumatay ng halos 7 milyong tao.