Umariba na sa IWantTFC, pati na rin sa YouTube channel nito ang Gen Z suspense thriller,ang “Fractured”. Ang kwento nitong tiyak na pakakayukan ay tungkol s aisang grupo ng mga tinatawag na blogger at influencer na pinagsama-sama sa isang la isla bonita kung saan ang lugar at mga kaganapan rito ay kanilang gagawing content para sa kaniang tinangkilik na vlogs.
Siempre pa, bidang-bida rito ang isa sa pinaka-popular na teen tambalan sa kasalukuyan, sina Francine Diaz, bilang si Sally isang videpgrapher at si Seth Fedelin, bilang si Oca, isang blogger na kwela at kabwisit ang pranks.
Kasama rin dito sina Jeremiah Lisbo, Kaori Oinuma at Daniela Stranner na may lantarang tatsulok ng pag-iibigan na ang mga kataugan ay nagngangalang Ron, Yanni at Sophia.
Ang pinaka-pleasant surprise rito, eh ang palaban na paglalambingan at husay sa pag-ganap nina Raven Rigor at Sean Tristan, bilang sina Doc Tony, isang veterinarian na blogger at si Gelo, isang party-party personalidad.
Oo, opisyal na ang pagiging magjka-love team ng dalawang binatang sosyalin, guapo at yayamanin. Ang fan service at pakilig moments nila, ayaw paawat. Maski nga ang kagandagang si binibining Diaz, kilig na kilig sa hindi sinasadyang sweet moments ng mga katauhan nina Rigor at Tristan.
Grabe ang chemistry ng dalawang konyotic na kalalakihan. Itong si Raven, pag nagsasalita, well pronounced ang kanyang Rs na alam na alam mong sa pang-mayaman at pribadong Universidad nag-aaral o ang pinanggalingan. Si Tristan naman, bagay na bagay anf likas na kalandian at para-paraang galawan ni Gelo para mapalapit at masungkit ang mailap na si Doc Tony.
Sa totoong buhay, best friends ang dalawang binata at talagang tiniyaga nila ang maging tunay at malapit na magkaibigan para wala na silang ilangan.
Sa personal ngang panayam sa presscon ng “Fractured”, ang mga titigan nila, parang may nagluluningning na sa kanilang mga mata at nakakaloka na tinatapos nila ang pangungusap ng isa’t-isa, huh!
Napaka-progresibo ng mga taga-ABSCBN sa kanilang pagsusugal kina Raven at Sean na maging magkatambal sa mga palatuntunan hindi bilang mag-tropa kundi bilang mga lalaking kinikilig at nagmamahal sa kapwa nila lalaki. Bukal sa dalawa na itodo pa ang kanilang pagiging magkatambal at handa sila na ipakita sa lahat ang kakaibang pagmamahalan ng kanilang mga katauhang binibigyang buhay.
Sa totoong buhay, yung huling Star Magic Prom, dumalo sina Raven at Sean na ang suot ay haliw sa Nutcracker ballet’s iconic toy soldier. Bago nga ang prom, may promposal pa si Sean para kay Raven kung saan ipinangako nito sa best friend ang isang prom night na hindi niya makakalimutan.
Sa katapusan nitong Setyembre, sa Shangrila Mall Makati gagawin ang laging inaabanagan na ABSCBN Star Magic Ball kung saan ang biggest stars nila ay made up, glamourized at styled to perfection. Tiyak, aabangan ang pagdalo nina Raven Rigor at Sean Tristan bilang one of a kind Gen Z love team. Sino nga kaya ang magiging designer of choice nila para sa kanilang couple tuxedos? Ay! May ganun talaga! Ang winner naman!
Ang wish ng inyong lingkod dito sa Diva-Chika, ang mga nakakainis na nagmamalinis, huwag naman sanang pag-initan ang young love team nina Raven Rigor at Sean Tristan.
Alam niyo naman ang mga kung ano-anong kapisanan, at mga walang kawawaang motivational speaker at kung ano-ano pang mga bagot at walang magawa sa mga buhay-buhay nila, baka sila ang mapagdiskitahan, hindi ba naman.
Dapat kina Raven Rigor at Sean Tristan, maglalayo muna sa cake at wag daliriin ang icing nito, huh! Hahahaha.