Dumating na ang PH rowing team para i-representa ang Pilipinas sa Asian games na gaganapin sa Hangzhou Olympic Sports Expo Center sa bansang China.
Pinamumunuan ng 23 year old Olympian Cris Nievarez ang koponan kasama sina Joanie Delgaco, Tammy Sha, Feiza Lenton, Edgar Ilas, at Zuriel Sumintac.
Magsisimula ang mga kumpetisyon sa Miyerkules, kung saan makikita ng mga Pinoy ang aksyon sa men’s single sculls, lightweight men’s double sculls, women’s single sculls, at lightweight women’s double sculls.
Sinabi ng Philippine Rowing Association na si Patrick Gregorio na tinitingnan din ng koponan ang kompetisyon bilang bahagi ng paghahanda nito para sa qualifying tournament ng 2024 Paris Olympics.
Ang huling medalya na nakamit ng national rowing team sa Asiad ay noon pang 2002 sa Busan, Korea kung saan nakakuha ang Pilipinas ng bronze medal sa men’s lightweight doube sculls.