Pinatalsik ni Pope Francis ang isang paring Pilipino na inakusahan ng pang-aabusong sekswal na kinasasangkutan ng mga menor de edad.
Ang desisyon ng Santo Papa na tanggalin si Pio Aclon sa clerical state ay inihayag ng Diocese of Borongan.
Ayon sa advisory, ang naturang pari ay hindi na cleric at hindi maaaring magsagawa ng paglilingkod bilang pari sa Simabahan.
Binasa ang nasabing advisory sa lahat ng simabahan, kapilya at chaplainency ng diocese, ngunit hindi ito nagbigay ng karagdagang detalye tungkol kay Aclon.
Huling nagsilbi si Aclon sa isang minor seminary sa Borongan bago siya sinuspinde sa kanyang clerical duties.
Humihingi naman ng paumanhin si Pope Francis para sa mga kaso ng pang-aabuso na kinasasangkutan ng mga pari, at nangako ng “zero tolerance” sa sexual assault ng mga miyembro ng clergy.