Sinimulan ng talakayin sa plenaryo ng House of Representatives ang House Bill 8969 o MUP Pension Reform Bill.
Pinangunahan ni House Ad Hoc Committee on MUP Pension System Chair at Albay Representative Joey Salceda ang sponsorship para sa nasabing panukala.
Binigyang-diin ni Salceda na mismong si Pang. Ferdinand Marcos Jr ang humiling para magkaroon ng isang MUP pension system.
Naniniwala naman si House Committee on Defense Chair Raul Tupas, na ang panukalang nabuo ng Ad Hoc Committee ay patas at makatwiran para sa pagsusulong ng matatag na sistema ng pensyon para sa aniya’y “heroes at heroines.”
Ilang mahahalagang probisyon ng panukala ang tiyak na 3% na taas-sweldo para sa MUPs kada taon sa loob ng 10-taon; adjustment sa mandatory retirement age na 57-taong gulang mula sa 56; “contributory scheme” at pagbuo ng MUP Trust Fund.