Pinanghahawakan ni Filipino boxing icon Manny Pacquiao ang pagkakataong irepresenta ang Pilipinas sa darating na 2024 Paris Olympics.
Sa paglulunsad ng kanyang bagong tatag na volleyball league na Maharlika Pilipinas Volleyball Association (MPVA), nanatiling nakatuon si Pacquiao na posibleng pagkakataon na ito.
Inalala ni Pacquiao kung paano niya pinangarap na maging bahagi ng Philippine team noong siya ay isang aspiring boxer pa lang noon ito’y nasa General Santos City pa.
Una nang inihayag ng Philippine Olympic Committee (POC) si Pacquiao ukol rito. Ayon kay POC president Rep. Abraham “Bambol” Tolentino nag-reach out ang kampo ni Pacquiao kung paano maaaring maging kwalipikado ang dating eighth-division world champion para sa 2024 Olympics sa France.