Kung may natatakot sa puno ng Balite, hindi ang lalaking ito na karelasyon ng isang government executive.
“Ha? Ang tapang naman ni Sir. Walang sinasanto ang peg?” pagbibida ng Mimosa sa Barangay na kagigising lang at pupungas-pungas.
Ito palang si Sir ay maghapong nakaparada ang sasakyan sa isang gusali sa Visayas Ave.
Kesehodang nainitan si Sir sa kahihintay sa mga dokumentong ihahatid sa kanya ng messenger ng kanyang ‘lovey dovey’ basta mabusisi lang niya ang mga ito bago pirmahan ng kanyang “Lady Love.”
Kakarampot pala ang laman ng kukote ni Lady Love at nakaasa lang sa opinyon ng ‘Lalaki sa parking lot’ kaya nagagawa niya kuno ang kanyang tungkulin bilang opisyal ng pamahalaan.
May trauma raw sa pozo negro ang “Lalaki sa Parking Lot” kaya’t iniraraos niya ang hilig sa imbestigasyon sa tanggapan ng kanyang Lady Love.
Kahit kable na may kaugnayan sa trabaho ng kanyang Lady Love, pinakikialaman ng “Lalaki sa Parking Lot.”
Ang Tiradora, gusto palang patahimikin ng “Lalaki sa Parking Lot’ pero may malaking hadlang sa kanyang plano.
CLUE;
Mahilig magsalita ang “Lalaki sa Parking Lot” noong may suot pa siyang uniporme.
Hindi nadala sa masaklap na karanasan sa paghihimas ng rehas na bakal ang “Lalaki sa Parking Lot” tuloy siya sa pangarap na makapagmaniobra sa isang ahensya ng pamahalaan.
“Kahit napupuot kayo, mag-memeryenda pa rin ako ,” wika ng miron.
‘Yun na!