Hitik sa talento ang mga kasali sa PBA Rookie Draft na gagawin sa Market! Market! Sa Taguig ngayong araw sa ganap na 4 p.m.
Kaya naman dalawa sa koponan ang excited dito, kabilang ang Rain or Shine at Blackwater.
Dalawang beses pipili ng players ang Elasto Painters na gigiyahan ni Yeng Guiao – ang No.3 at No. 4 picks sa first round – kung saan inaasahang makakasungkit ang kanyang koponan nang mga batang players na magsisilbing sandigan nila sa hinaharap.
Pero maraming hindi nakitang players ang Rain or Shine, kabilang na rito ang inaasahan nilang mga premyadong draft picks na nais nilang kuhain sa Draft Day.
“We’re disappointed that we didn’t see them in the Draft Combine. I don’t know if they have a valid reason, but if there’s none, then maybe the league should sanction those players who didn’t join,” ang sabi ni Guiao.
“The Draft Combine was created to give the teams and up close and personal look at the prospects. We won’t have problems to those names that we’re already familiar of, but we will have trouble getting to know those applicants who we’re not familiar of. But nevertheless, we could only hope to see all the applicants joining the Draft Combine.”
Pero ang dalawang draft picks ay makakatulong para sa Rain or Shine na palakasin ang kanilang kampanya.
Nauna na rito, kinuha ng Rain or Shine si NBA veteran DaJuan Summers para pangunahan ang koponan sa parating na season na bubuksan sa 5 ng Nobyembre.
Isa rin sa mga hindi makahintay sa Draft Day si Blackwater coach Jeff Cariaso.
Pangalawa sa pipili ang Blackwater pagtapos ng Terrafirma na siyang magiging No.1 sa ikaapat na pagkakataon sa limang seasons.
“I see our pick making an immediate impact, but whoever that pick is, we want to keep it close to our chests for the time being as there’s someone who’ll be picking ahead of us,” ang sabi ni Cariaso.
Ang Terrafirma ang No.1 ulit ngayong taon, pero kung hanggang kailan mananatili ang kanilang magiging bagong player ay isa namang malaking tanong.
Ang mga dating top overall picks na sina CJ Perez, Roosevelt Adams at Joshua Munzon ay wala na ngayon sa poder ng Dyip.
Ayaw naman ni Cariaso na dumaan sa ganitong klaseng proseso kung kaya naman pangunahing layunin niya bilang coach ay baguhin ang kanilang kultura.
Noong nakaraang season, pinawalaan rin ng Blackwater ang kanilang No.1 pick na si Brandon Ganuelas-Rosser kung saan ipinalit niya sa TNT kapalit ng beteranong forward na si Troy Rosario.
“We want to change the culture of the team. We want to build a competitive team and we can start doing it if we will be able to hold on to a good core of players, beginning with our No.2 pick, who can become an integral part of our system,” ang sabi ni Cariaso.
Gusto ni Cariaso na mapabilang ang No.2 pick sa core ng magagagling na players na nasa kanilang koponan gaya nina JVee Casio, Baser Amer, Rashawn McCarthy, Yousef Taha and young players Rey Suerte, Ato Ular at MIke Ayonayon, gayundin ang import nila na si Chris Ortiz, isang beterano sa FIBA World Cup na naglaro sa Puerto Rico.