Pinaniniwalaan ni Uzbek President Shavkat Mirziyoyev na ang malubhang kakulangan sa tubig sa mga bansa sa Central Asia ay “irreversible” at mas lalama lamang dahil sa global warming.
Ang mga bansa sa Central Asia tulad ng Uzbekistan ay nahaharap sa napakaraming problema sa kapaligiran, kabilang ang mga dekada ng polusyon sa panahon ng Sobyet, pagkasira ng lupa at kakulangan ng tubig na pinalala ng climate change.
Sinabi ni Mirziyoyev sa isang pagpupulong ng International Fund for Saving the Aral Sea, alam na alam ng mga kasamahan niya na ang problema ng kakulangan sa tubig ay naging talamak at hindi na mababawi.