Bukod sa bigas, kuryente at langis nakaamba ring magmahal ang ilang pangunahing produkto.
Ito’y dahil humihirit ang mga pabrikante na dagdag P0.70 hanggang P7.00 sa bottled water, asin, kape, de latang sardinas, de latang karne, at maging sa instant noodles.
Ayon kay Department of Trade and Industry Consumer Protection Group (DTI-CPG) Asssistant Secretary Jean Pacheco, dahil nagtaas na rin ang ilang presyo ng mga raw materials kaya plano na ring mag price increase ang mga manufacturers.
Samantala, makiki-usap ang DTI sa mga negosyante na wala munang pagtaas ng presyo sa mga pangunahing bilihin hanggang matapos ang taon.
(BNFM)