NAPAPANAHON na pag-usapan ang pinaka-importante sa ating mga buhay – ang bigas at ang ating barangay na ginagalawan.
Sa mas malawak na aspeto, ang pangunahing laman ng ating mga hapag kainan ay ang ‘kanin’ na galing sa bigas.
Dati-rati ay di natin pinoproblema ito, ngunit ngayon, pangdaigdigan at lalo na sa ating kinabibilangan rehiyon ng Asia, ay malaking suliranin na ito.
Ginawang ‘campaign promise’s pa nga ito ng Pangulong Bong Bong Marcos (PBBM) na kanyang ibaba ang presyo nito sa P20 kada kilo nang sa gayong ay abot-kaya itong mabibili ng mga kababayan nating mahihirap. Pero mas marami na din sa atin ngayon Ang mas magugulang. Mapagsamantala at sabihin na nating magnanakaw.
Kaya ang bilin ni PBBM -Publiko Bantay Bigas vs Magnanakaw. Marami naman ang nadale na, at iningunguso ng ating mga kababayan ang mga bodegang nagtatago ng bigas, dahil sa ginagawang i-style ang pagtatago ng bigas, para pag-tumaas ang presyo nito, ay malaki ang kanilang kikitain. Hindi ba’t pagnanakaw yan?
Ipinag-utos na din ni PBBM na ituloy ang halalang pang-barangayan. Dahil naisip nito at nakita mismo na ang iba sa ating mga Punong Barangay at iba pang Barangay Opisyal ay tila nagmamalabis na rin.
Ang iba nga ay Naruto na ring magnakaw. Kaya sabi ni PBBM kailangan na ang Pagbabago sa Barangay na Bagay sa Mamamayan.
Bakit kailangan ng pagbabago? Dahil ang iba ay sobrà na! Sobrà na sa kabusugan. Humanda ang bahay pero di ang barangay.
Pagbabago sa Barangay ang Bagay sa Mamayan, upang guminhawa naman nang kahit na kaunti ang buhay.
Pumili tayo ng Punong Barangay na Babantayang Mabuti ang ating pamayanan. Ipaglalaban tayo sa pagsasamantala, sa mga nagtatago ng bigas, sa mga nagtutulak ng droga, at ipagtatanggol tayo sa mga mapang-api, sa mga siga sa kalsada, sa mga aotoridad na, nang mabigyan at makahawak ng konting kapangyarihan o’ pwesto ay nagsiyabang na.
PagBaBago ng Mamayan din ang ating kailangan upang mapabuti tayong lahat, at ang ating lipunan. Huwag kumampi sa mga magnanakaw at mapagsamantala. Magbantay laban sa mga ganitong klase ng opisyal o kaya’y kabarangay.
Pagbabago rin sa Barangay ang dapat Bantayan ng Mamayan. Hindi iboboto ang mapagsamantala at nagnakaw na, o’ magnanakaw lamang sa barangay.
Kaya nagkaproblema at nagka-hetot-hetot ang ating kalagayan at kagipitan sa bigas ay dahil sa mga magnanakaw na ito.