Kombinsido ang human rights group na Karapatan na malaki ang posibilidad na mga ahente ng estado ang nasa likod ng pagkawala nina Jonila Castro at Jhed Tamano, dalawang environmental activists, noong gabi ng Setyembre 2 sa Orion, Bataan.
Ang ginanap na press conference kahapon ng National Task Force to End Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) at Philippine National Police (PNP) ang nagpapatunay umano ng kanilang pagdududa.
Sa kalatas ng Karapatan, nakasaad na ang ‘convoluted narrative” na sina Jonila at Jhed ay “sinundo” umano ng isang babaeng nagngangalang “Ate” na diumano’y nilapitan nila para mapadali ang kanilang pagsuko sa mga awtoridad.
Dinala raw muna sila ni “Ate” sa isang bahay sa Guagua, Pampanga at inabot ng ilang araw bago niya maiugnay sina Jonila at Jhed sa mga awtoridad, hanggang sa pormal na sumuko ang dalawang batang aktibista sa 70th Infantry Battalion noong 12 Setyembre 2023.
“The government’s version of events begs so many questions, foremost of which is, why would Jonila and Jhed bother to ask “Ate’s” help and surrender in such a roundabout way, when a soldier by the name of Justin Gutierrez had already been frequenting Jonila’s family home in Plaridel, Bulacan since 2022 to “convince” the activist to “clear her name” and had even left his number with Jonila’s mother just in case Jonila decides to surrender,” anang Karapatan.
The two activists could have also approached Jhed’s stepfather who, as a former soldier, presumably has connections to the military.
Maaaring lumapit din umano ang dalawang aktibista sa stepfather ni Jhed na, bilang dating sundalo, ay malamang na may koneksyon sa militar.
Sa kuha ng larawan mula sa CCTV na nagpapakitang naglalakad sina Jonila at Jhed sa isang kalsada malapit sa oras ng napaulat na pagdukot ay hindi makikita si “Ate” sa isang sasakyang malapit sa kanila at hindi rin makikitang normal na pumapasok sina Jonila at Jhed sa isang sasakyan.
“The photo grab does nothing to support the narrative of the NTF-ELCAC and the PNP that they had voluntarily gone with “Ate.”
Sa pamamagitan lamang ng maikling video clips nina Jonila at Jhed na ipinakita sa press conference, at walang aktwal na mga kopya ng kanilang tinatawag na affidavits na ibinigay sa media para sa pagsusuri, ang katotohanan ng mga pahayag ng PNP at NTF-ELCAC ay nananatiling kaduda-duda .
Na hindi umano sila personal na ipinakita sa press conference ay nagpapakita ng maraming bagay.
Ang pinaka-halata umano ay hindi sila handang iharap ng NTF-ELCAC at PNP para tanungin ng media tungkol sa mga pangyayari sa kanilang pagdukot.
“Further, the voluntariness of the execution of the alleged affidavits is doubtful validity considering that the same was signed while the two were under the custody of a military unit, and were not represented by a lawyer of their own choice,” anang Karapatan.
“With their condition, they were not in a position to refuse to be represented by counsel provided them by their military custodian, and to assert to be represented by a counsel of their own choice or engaged by their families. It must be noted that the family has engaged lawyers from the Free Legal Assistance Group to represent them,” dagdag ng grupo.
Nabigo ang NTF-ELCAC at PNP na patunayan na walang naganap na pagdukot. Maliban kung at hangga’t hindi pinahihintulutan sina Jonila at Jhed na magsalita nang malaya sa labas ng kustodiya ng militar, walang katiyakan na ang kanilang mga pahayag ay authentic at hindi ibinigay sa ilalim ng pamimilit.