Sampung koponan ang sasalang sa unang season ng Maharlika Pilipinas Volleyball Association sa susunod na buwan.
Ito ang mismong pahayag ni MPVA founder at eight-division boxing world champion Manny Pacquiao na pinangunahan ang pormal na paglarga ng bagong liga sa volleyball na ang hangarin ay dalhin ang sport na popondahan ng iba’t-ibang local government units.
Ang mga LGUs na sasali ay ang Quezon City, Marikina City, Caloocan, Rizal, City of Biñan, Naisipit in Agusan Del Norte, City of Manila, Bulacan, Bacoor at isa pang koponan na hindi pa pinapangalanan na dadalhin ang moniker na Blue Hawks.
Ihahayag ng MPVA ang pormal na date ng pagbubukas ng liga.
Gaya ng MPBL, hangad ni Pacquiao na maging matagumpay rin ang kanyang bagong ligang bubuksan.
“I’m hoping this inaugural season of the MPVA will be an unforgettable moment (for local volleyball talents and fans). Just like in the MPBL where we received overwhelming support from every corner of the country, I’m hoping MPVA will have the same reception,” dagdag ni Pacquiao.
Ayon kay Pacquiao, bawat koponan ay kinakailangang mayroong tatlong homegrown players at tatlong dating professional players. Puwedeng magkaroon ng pool na 19 players ang bawat koponan.