Ipinasilip ng magkasintahang sina YouTube vlogger Zeinab Harake at dating PBA player na si Bobby Ray Parks Jr. kung paano nila itinatawid ang kanilang long-distance relationship.
Sa recent Instagram Story na ipinost ng magkasintahan ay makikita ang sweetness nila sa isa’t isa maging sa video call.
Kasalukuyang nasa Japan si Bobby Ray para sa bagong season ng professional basketball tournament na B. League.
Naglalaro si Bobby Ray para sa koponan ng Nagoya Diamond Dolphins.
Bukod kay Bobby Ray ay naglalaro rin sa B. League ang iba pang Filipino basketball players katulad nina Kiefer Ravena, Kobe Paras, Thirdy Ravena, Matthew Wright, Robert Bolick, at Dwight Ramos.
MISSING EACH OTHER
Marami naman ang kinilig sa post nina Zeinab at Bobby Ray kung saan makikita ang dalawa na magka-video chat at tila pinapanood ang isa’t isa habang natutulog.
Sa picture na pinost ni Zeinab sa IG Story ay kita si Bobby Ray na nakatakip ang mga mata samantalang nakatingin ang sikat na content creator.
Mababasa sa post ang mga salitang “i appreciate you always mahal ko” at “miss na miss kita mahal.”
Samantala, sa IG Story naman ni Bobby Ray ay si Zeinab naman ang natutulog habang nakatingin ang tila ay nagkakape na si Bobby Ray.
“Ako naman po ang ang mgbabantay sa yo, Bel,” caption ng basketbolista na anak ng seven-time PBA Best Import awardee na si Bobby Parks.
May 8, 2023 nang isapubliko nina Zeinab at Bobby Ray ang kanilang relasyon.
“Buti na lang ako yung nanliligaw no? Ikaw yung walang patience. e,” biro ni Bobby Ray kay Zeinab sa video uploaded on Instagram.
Kinilig at natawa naman si Zeinab sa sinabi ni Bobby Ray. (pep.ph)