Inakusahan ni Russian President Vladimir Putin ang secret service ng United Kingdom dahil sa pagsasanay sa mga Ukrainians.
Sinabi nito na ang ang mga Ukrainian na isinasanay ng UK ay siyang nasa likod ng pananabotahe sa mga mahahalagang imprastraktura ng Russia.
Nakahuli kasi ang Federal Security Service (FSB) ng Russia ng mga Ukrainian saboteurs na siyang nasa likod ng pagkasira ng bahagi ng kanilang nuclear power station.
Ang nasabing pahayag na ito ni Putin ay kasunod ng pagbisita sa Russia ni North Korean leader Kim Jong Un.
Magugunitang nagbabala ang US na mahaharap sa reklamo ang North Korea kapag nagbigay ito ng mga armas sa Russia.