Hinamon ng isang public policy thinktank group si Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro na payuhan ang administrasyong Marcos Jr. na magkasa ng matagal na pagtutol laban sa reclamation projects na pinakamalapit sa US Embassy, batay sa pambansang seguridad.
“He should also provide advice whether government should make a sustained objection on reclamation activities in Manila Bay on the basis of national security, particularly a specific project closest to the US Embassy,” sabi ni Terry Ridon, Infrawatch PH convenor, sa Dyaryo Tirada kahapon.
Ang pahayag ni Ridon ay kasunod ng tinuran ni Teodoro sa pagharap sa Commission on Appointments (CA) kamakalawa na mahigpit na sinusubaybayan ng Department of National Defense (DND) ang mga manggagawang Tsino sa bansa na maaaring sangkot sa “covert economic and information activities” para pahinain ang posisyon ng Maynila laban sa Beijing sa gitna ng tumataas na tensyon sa West Philippine Sea (WPS).
Ani Teodoro ang pagpasok ng mga Chinese national na nagtatrabaho sa mga kumpanyang pag-aari ng estado ng Beijing na pinayagan ng pamahalaang Pilipinas na para sa mga proyektong pang-imprastraktura.
Ayon kay Ridon, dapat magbigay ng karagdagang detalye si Teodoro kung paano isinasagawa ng sektor ng seguridad ang monitoring at intelligence sa mga dayuhang pinaghihinalaang nagpapatupad ng mga lihim na aktibidad sa ekonomiya at impormasyon sa bansa.
“Defense Secretary Gilberto Teodoro should provide more details on how monitoring and intelligence activities are being undertaken by the security sector on foreign nationals suspected of implementing covert economic and information activities in the country,” aniya.
Kailangan aniyang ibunyag ni Teodoro kung ilang mamamayang Pilipino ay tinuturuan ng mga wikang banyaga upang maunawaan ang mga hinarang na lihim na komunikasyon, at kung ang mga operatibang Filipino ay inaatasang isama ang kanilang mga sarili sa loob ng mga komunidad, grupo at organisasyong pinaghihinalaang tumulong sa mga aktibidad ng disinformation ng “adverse foreign powers.”
“He should disclose whether certain Filipino nationals are being taught foreign languages to understand intercepted covert communications, and whether Filipino operatives are being tasked to embed themselves within communities, groups and organizations suspected of aiding disinformation activities of adverse foreign powers,” giit ni Ridon.