Ginunita sa Estados Unidos ang ika-22 anibersaryo nang pag-atake ng Al-Qaeda terrorist group noong 11 Setyembre 2001 na pumatay sa halos 3,000 katao at ikinasugat ng 6,000 iba pa sa itinuturing na pinakamasahol na terror attack sa kasaysayan ng U.S.
“On September 11, 2001, terrorists killed nearly 3,000 people and injured more than 6,000 others in the worst attack against the homeland in our nation’s history,” sabi ni Secretary of State Antony J. Blinken sa isang kalatas.
Aniya, binibigyan ng parangal ng U.S. ang mga alaala ng mga biktima ng 9/11 at naninindigan kasama ang kanilang mga pamilya at kaibigan.
Naganap ang magkakasabay na pag-atake ng mga terorista sa New York City, Arlington, Virginia, at Shanksville, Pennsylvania.
“Today we honor their memories and stand with the families and friends of those who perished in New York City, Arlington, Virginia, and Shanksville, Pennsylvania,” ayon kay Blinken.
Hindi aniya malilimutan ng mga opisyal at kawani ng U.S. State Department ang trahedya, ang mga nasawi at ang mga unang rumesponde sa panganib upang mailigtas sila.
“The men and women of the U.S. Department of State will never forget that tragic day, the many lives lost, and the first responders who rushed into danger to save them.”
“We also remember our colleagues who were killed on this day in 2012 in Benghazi, Libya. Their bravery and sacrifice continue to be an inspiration for this Department and our nation,” dagdag niya.
Giit ni Blinken, ang alaala ng mga nasawi noong 9/11 ay nagpapaalala kung bakit kailangang patuloy na labanan ang terorismo.
“The memory of those who perished on 9/11 reminds us of why we must continue to fight against those who commit acts of terrorism,” wika niya.
Sa mga nakaraang taon, aniya, ay naninindigan ang Amerika kasama ang mga kaalyado sa iba’t ibang bahagi ng mundo upang wakasan ang terorismo at tiyakin mapananagot ang mga terorista sa kanilang mga naging krimen.
“In the years since, we have stood side by side with partners from around the world to end the scourge of terrorism and ensure terrorists are held accountable for their crimes. The United States will continue to defend our homeland, our people, and our allies.”