Pormal nang nagbitiw sa kanyang tungkulin si Spanish Soccer Federation president Luis Rubiales kasunod nang natanggap nitong kritisismo matapos na halikan sa labi ang football player na si Jennifer Hermoso ng magkampeon ang Spain sa FIFA Womens World Cup.
Sinabi nito na isinumite na nito ang kaniyang resignation letter kay Pedro Rocha ang interim president.
Nakasaad din na nagbitiw din siya bilag vice president ng UEFA ang football federation sa Europa.
Una ng pinatawan ng 90 days provisional suspension ng FIFA si Rubiales dahil sa ginawa nito.
Kung matatandaan, binatikos ni Spain football star Aitana Bonmatí ang pangulo ng kanilang football team at sa pagtanggap ni Bonmati sa UEFA Women’s Player of the Year Award, natakpan na umano ang ginawa ni Rubiales.
Nanawagan ito sa mamamayan na dapat hindi hayaan ang mga nagaganap na kahalintulad na pang-aabuso.
Kinilala kasi ng European football governing body ang nasabing midfielder dahil sa malaking papel nito para makuha ng Spain ang kanilang kampeonato sa FIFA World Cup.
Magugunitang pinapababa na puwesto ng FIFA si Rubales dahil sa ginawa nitong paghalik sa football player.
Pormal na naghain ng rekamo sa korte si Hermoso laban kay Rubiales.