Usap-usapan ang pagpapagawa umano ng studio ni G.Willie Revillame sa isang bahagi ng Philippine Information Agency (PIA).
Sinabi ni PIA Director-General Joe Torres, “Lumang studio po yon ng PTV 4 na hindi na nila ginamit for a long time. Hindi po ng PIA. Located lang sa PIA building,” sabi niya .
Tugon ito ni Torres sa banner story ng Dyaryo Tirada kahapon kaugnay sa isyu na batay sa ipinaskil na mga larawan ni PIA Deputy Director General Katherine Sinsuat de Castro sa Facebook na kasama niya ang ilang opisyal ngPresidential Communcations Office (PCO) at attached agencies nito noong 9 Agosto 2023 sa isang mistulang bodegang parte ng PIA building.
Sa programang “Hot Patatas” ng Daily Tribune at Dyaryo Tirada kahapon, tinalakay ang nasabing usapin at nabatid na ang gusali pala ng PIA ay isa nang condemned building.
Ibig sabihin, mabuway na ang istruktura o may kuwestiyon na ang structural integrity nito, base umano sa pagsusuri ng lokal na pamahalaan ng QUezon City.
Posibleng magkaroon ng disgrasya dahil ang APO Production Unit INc,. isang attached agency ng PCO ay may makinang pang-imprenta sa ground floor ng gusali ng PIA.
Ang APO “is one of the three (3) recognized government printers that may handle the printing of accountable forms and sensitive high quality/volume printing jobs of the Philippine government agencies and offices.”
Ayon umano sa mga eksperto, ang paggamit ng printing machine ng APO ay maaaring mag-trigger nang pagguho ng PIA bldg na isa na ngang mabuway na gusali.
Hinihintayin pa ba natin gumuho at magkaroon ng malaking danyos sa PIA bldg?
Pera ni Juan dela Cruz ang nakataya rito at kaligtasan ng mga manggagawa ng gobyerno.
Sa laki ng yaman ni G. Revillame, puwede siyang magpatayo ng kanyang sariling studio sa isang pribadong gusali.
Maaari rin siyang magkaroon ng sariling programa sa telebisyon sa isang pribadong TV network at hindi sa state-run station na ang mandato ay mabigay ng tama at napapanahong impormasyon na may kaugnayan sa mga aktibidad ng pamahalaan.
Ano kaya ang masasabi ni PTV acting general manager Anna Puod?###