Muli na namang nasilayan ng publiko ang ‘Cebu’s world-renowned ‘Dancing Inmates’ ng Cebu Provincial Detention and Rehabilition Center kamakalawa.
Ito ay bilang pag-alay sa kanilang patron na Our Lady of Fatima kasabay ng selebrasyon ng birthday ni Blessed Virgin Mary ngayong araw.
Nalaman na nasa 300 mga miyembro ng CPDRC ang sumayaw sa harap ng kanilang 200 mga espesyal na bisita sa inimbita para sa isang special viewing.
Sa kanilang finale performance kaninang umaga, sina Cebu Provincial Tourism Officer Marti Ybañez, kasama ang mga guests at iilang miyembro ng media ang sumama sa kanila sa pag-indak at pagsayaw.
Una ng sinabi ni Arnela Tangkay, , CPDRC dancing inmates’ coordinator mula sa Cebu Provincial Tourism Office, na ang nasabing aktibidad ay senyales sa muling pagbabalik ng dancing inmate.
Libre lang ito ngunit hinkayat naman ang mga biisita na bumili ng mga produkto ng mga preso dahil ang kita nito ay ilalagay sa personal na bank account ng mga inmate na susuporta sa kanilang pinansyal na pangangailangan sa oras na sila ay makalabas sa kulungan.