Pinuri ng National Task Force on West Phil Sea (NTF-WPS) si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., dahil sa kaniyang pagsisikap na muling makuha ang suporta ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) para sa peaceful dispute resolution sa West Philippine Sea (WPS).
Tinalakay ni Marcos Jr. sa ASEAN Summit ang patuloy na paninindigan ng Pilipinas na protektahan ang soberenya at ang territorial integrity nito.
Nauna rito’y hinimok ng Pangulo ang ASEAN na huwag payagan ang pandaigdigang mapayapang kaayusan na isailalim sa mga puwersang magsusulong ng hegemonic na ambisyon sa WPS.
Ayon kay National Security Council (NSC) Assistant Director Jonathan Malaya ang ginawang pagsisikap ng chief executive na makuha ang suporta ng ASEAN ay lalong magpapalakas sa ating diplomatic efforts na mapanatili ang regional peace and security sa bansa.
Ani Malaya, nakatataba ng puso ang ginawa ng Pangulo at magsisilbi rin itong inspirasyon para sa mga awtoridad na pagbutihin pa ang pagtatrabaho at protektahan ang teritoryo ng Pilipinas.