Gaya nang inaasahan, dinomina ng mga Southeast Adian Games campaigner ang 5150 Dapitan Philippines sa Zamboanga del Norte kahapon.
Dinaig ni Fee Casares si John Chicano sa kanilang duwelo hangganf sa dulo habang nagpakitang Gilas rin siKim Mangrobang matapos daigin si Samantha Corpuz sa women’s division.
Ang reigning back-to-back gold medalist na si Casares at tumapos ng 01:57:19 at manaig sa Boholanong si Chicano, who na tinapos ang karera ng 01:59:33 sa 1.5-kilometer swim, 40km bike and 10km run race kung saan dinaanan nila ang ilan sa mga historical landmarks ng lugar.
Muli na namang naipakita ni Mangrobang ang kanyang bangis sa women’s triathlln kung saan nagsumite siya ng oras na 02:11:40.
Magangang pambawi itong panalobg ito kay Mangrobang na nabigong masungkit ang ikaapat na sunod na gintong medalya sa SEA Games nitong Mayo sa Cambodia.