Nagsimula na muling mag-export ng mangga ang Pilipinas sa bansang Australia.
Sa ulat ng Department of Agriculture-Bureau of Plant Industry o DA-BPI, nakapag padala ng initial na 1,500 kilos ng manggang kalabaw sa isinagawang simpleng send-off ceremony nitong nakalipas na araw.
Sinabi ni DA-BPI Director Gerald Glenn Panganiban, nagbukas ito ng panibagong oportunidad sa mga magsasaka at mas magpapatibay ng pakikipag kalakalan sa ibang bansa.
Taong 2013 pa nang huling mag export ng mangga ang Pilipinas sa bansang Australia, kaya malaking hakbang din daw ito sa mango industry.
Nagpasalamat naman ang DA-BPI sa mga exporter at iba pang pribadong sektor na nakibahagi para maisakatuparan ang naturang programa.