Nawindang ang political observers noong Sabado ng umaga matapos kumalat sa social media ang mga larawan nina Sen. Bong Go, dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, Rodrigo Duterte at dating Senate President Tito Sotto.
Ang isa pang litrato na pinagkaguluhan ay magkasama sina Macapagal-Arroyo at dating Vice President Leni Robredo.
Buong araw na naguluhan ang mga ‘Maritess’ dahil para sa kanila ay napakaimposibleng nasa iisang larawan sina Macapagal-Arroyo at Robredo.
Noong 2022 elections ay nasa magkabilang bakuran ang dalawang ale, si Macapagal-Arroyo, alam ng lahat, ay nasa panig ni Vice President Sara Duterte na katambal sa UniTeam ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr habang si Robredo ang kanyang naging pinakamahigpit na katunggali sa presidential derby.
Nanahimik si Robredo mula nang matalo kay Marcos Jr kahit pa may mga naggigiit na siya’y dinaya.
Mas ginusto ni Robredo na pagbigyan ang mga imbitasyon para sa speaking engagements sa iba’t ibang parte ng mundo.
Tinutukan din niya ang non-government organization na Angat Buhay na tuloy ang pagbibigay ayuda sa mga nasa “laylayan ng lipunan.”
Kaya talaga naman nakagugulat na bigla silang naging magkasama ni Macapagal-Arroyo sa isang okasyon.
May mga nagsabing nagkataon lang na pareho silang naimbitahan ni Mercado at hindi ito planado.
Kaya kung sinoman ang naglalagay ng malisya sa kontrobersyal na larawan, puwede na kayong huminga ng maluwag.
Wala sa hinagap na magiging magkaalyado sa politika ang dalawang ale.