Mahalagang aspeto upang magkaroon ng “developed skills” ay ang disiplina sa sarili.
Ito ang bubuo ng matatag na karakter at kredibilidad sa industriya ng pamamahayag.
Kaya’t mapalad ako na taglay ko ito bilang isa sa mga reporter sa Pilipinas dahil mabibilang na lamang sa mga daliri ang mga mamamahayag na may ganitong uri ng katangian.
Sa simula pa lang ng aking career, tumatak na sa aking isipan ang reyalidad na ito kung kaya’t pinagbuti ko ang aking trabaho — na s’yang labis ko na ring minahal.
Sa loob ng mahigit dalawang dekada sa larangan ng paghahatid ng balita, masasabi kong may mga disiplina na dapat pinapahalagahan at hindi ipinagsasawalang-bahala ng isang mamamahayag.
Isa sa mga pangunahing disiplina, na nakakalungkot man sabihin, na tila hindi na gaanong pinapahalagahan, ay ang PUNCTUALITY.
Ang pagiging punctual sa trabaho ay nagpapakita ng respeto sa mga katrabaho, interview subject at even sa sarili mo.
Ang simpleng paggising ng maaga para dumating ON TIME ay isa sa mga nakaugalian kong gawin.
Hindi lamang ito nagpapakita ng respeto sa TV station na aking pinaglingkuran ng mahabang panahon, kundi malaking tulong din sa pag-set ng tamang perspective sa araw ko.
Ang pagiging punctual ay nakakatulong upang fresh pa ang utak mo sa pagsabak sa trabaho, dahilan para magawa mo ng maayos ang iyong mga gawain.
While it is true na may mga coverage na aagaw sa tulog mo, mahalaga pa rin sa sinumpaan nating propesyon ang maihatid ang balita sa mga mamamayan and to still show up as expected.
Syempre importante rin na makarating sa tamang oras sa mga coverage o interview.
Maliban na lamang kung hindi punctual o sobrang busy ang subject mo.
Mayroon akong na-encounter na naghintay ako ng matagal pero hindi nagpakita ang subject.
Sa mga ganitong pagkakataon, hindi dapat sumuko.
Nagpa-reschedule ako hanggang sa matapos ang misyon ko.
Natatandaan ko na importante rin na nasa istasyon na ako sakaling may pumutok na malalaking balita katulad ng aksidente, disaster at iba pang uri ng sakuna.
Malaking bagay din na punctual ka sa pagdating sa istasyon dahil tatlong newscast ang dapat bigyan ng voice report at live report.
Ganito ang naging buhay ko noon, mula Lunes hanggang Biyernes.
Nauna kong nabanggit na ang pagiging punctual, maagang pagtatrabaho at pagsa-submit ng report for me ay paggalang ko na rin sa mga producers, writers at video editors na kinakailangang tapusin ang video report on time para ito maka-ere o maisahimpapawid.Pasok sa deadline ‘ika nga.
Isa rin sa magandang benepisyo ng maagang pagtatrabaho ay makabuo ng report na magiging laman ng mga balita sa buong araw.
Maganda ito para sa mga news personality na agad maisapubliko ang kanilang nais iparating na programa o sagot sa mga maiinit na usapin.
(Itutuloy)