Dalawang malalaking torneo ang hindi nalaruan ni Scottie Thompson noong 2019 — FIBA World Cup at ang Southeast Asian Games.
Sa World Cup noong 2019 na ginagabayan ni Yeng Guiao, hindi napasama ang Barangay Ginebra star dahil mas pinili ng coaching staff at management ng Gilas ang mga players na sina Robert Bolick at CJ Perez na pawang mga bagong players pa npon at mga beteranong sina Kiefer Ravena at Mark Barroca.
Maging ang kanyang head coach na si Tim Cone ay hindi rin siya naisama sa Southeast Asian Games kung saan nanalo ng ginto ang Pilipinas sa harap ng ating mga kababayan
Sa nakaraang FIBA World Cup, tila pahirapan rin ang pagkakalagay sa reigning Most Valuable Player ng PBA,
Galing sa fractured right ring finger si Thompson at maski hindi niya aminin, may epekto sa kanyang hindi magandang performance dahil tila pinilit ng dating star player ng University of Perpetual Help ang sarili na ipagpatuloy ang kanyang pageensayo sa kabila ng kanyang pinsala.
Pero hindi naghahanap ng dahilan ang Barangay Ginebra star,
“Pangit talaga laro ko,” ang sabi ni Thompson. “Ayaw ko gumawa ng dahilan.”
Alam ni Cone, na siyang gumabay sa Gilas noong 2019, na nakakapanghinayang na hindi maisama si Thompson, pero batid niya rin na ito ang tamang desisyon dahil kailangan niyang makipagbakbakan sa pwesto kina Matthew Wright, LA Tenorio, Chris Ross, Marcio Lassiter, at Staney Pringle.
“Even at this point, I still can’t believe that I left out Scottie from that 2019 roster,” ang sabi ni Cone, na magbabalik bilang taga kumpas sa national team sa Asian Games sa Hangzhou, China kulang dalawang Linggo na lang mula ngayon.
“But at that time, not including Scottie was the right thing to do,” dagdag pa ni Cone. “But there’s no way that Scottie will be left out this time, I’m sure about that.”
Sinuguro ni Cone ang pagkakasama sa mga sigurado nang maglalaro sa Asian Games gaya nina June Mar Fajardo, Japeth Aguilar at ang dalawang naturalized players na sina Ange Kouame at Justin Brownlee.
Inaasahan ring napapasama sa line up sina Calvin Oftana at Chris Newsome,mga players na kamuntik na mapabilang sa FIBA World Cup roster.
Ang dalawang players ay naglaro rin sa Southeast Asian Games saCambodia.
Inaasahan ang mga karagdagang bubuo sa 12-man roster bukas matapos hindi mapasama sa koponan ang mga Japan B. League players na sina Dwight Ramos, AJ Edu, Kai Sotto at Ravena.
Bubuksan ang bagong aeason ng B. League sa 30 ng Setyembre.