Nakiisa si US Vice President Kamala Harris sa 2023 U.S.-ASEAN Summit sa Jakarta, Indonesia, pati sa mga pinuno ng ASEAN sa pag-anunsyo ng kanilang hangarin na magtatag, sa pamamagitan ng public-private partnership, ng U.S.-ASEAN Center sa Washington, D.C.
Para sa layuning iyon, nagtatag ang State Department public-private partnership sa sa Arizona State University (ASU) upang ilunsad ang Center.
Ag Center ay higit na magpapatibay at magpapalalim sa ugnayan sa pagitan ng Estados Unidos at ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) habang pinalalakas ang suporta para sa pang-ekonomiya at pangkulturang pakikipag-ugnayan ng U.S. sa Southeast Asia.
Mula nang itatag ang dialogue partnership noong 1977, ang ASEAN at ang Estados Unidos ay bumuo ng malawak na kooperasyon sa iba’t ibang lugar sa ilalim ng mga haliging pampulitika-seguridad, ekonomiya, at sosyo-kultural.
Ang Estados Unidos ang pinakamalaking pinagmumulan ng foreign direct investment sa Timog-Silangang Asya, at higit sa 6,200 na negosyo sa U.S. ang nag-ambag sa rekord na $520.3 bilyon sa kabuuang kalakalan sa pagitan ng Estados Unidos at mga bansa ng ASEAN noong 2022, na lumikha ng 625,000 trabaho sa lahat ng 50 estado , at 1 milyong trabaho sa buong Southeast Asia.
Ang tambalan sa pagitan ng ASEAN at United States ay makikita rin sa dumaraming people-to-people engagement para sa pinagsama-samang isang bilyong tao, gayundin sa dumaraming bilang ng mga estudyante mula sa mga bansang ASEAN sa Estados Unidos.
Layunin ng mga aktibidad ng Center na suportahan ang magkasanib na pagsisikap ng Estados Unidos at ASEAN na isulong ang isang bukas, konektado, maunlad, matatag, at ligtas na rehiyon.
Ipinagmamalaki ng State Department na makipagsosyo sa ASU para sa mahalagang bahaging ito ng U.S.-ASEAN Comprehensive Strategic Partnership (CSP).
Ang ASU ay may matagal nang ipinakitang pangako sa mga programang pang-akademiko at pag-aaral sa mga isyu sa Southeast Asia at sa mas malawak na rehiyon ng Indo-Pacific.
May akademikong presensya na sa Washington, D.C.; Tempe, Arizona; Los Angeles, California; gayundin sa buong Timog-silangang Asya, ang ASU ay mahusay na nakaposisyon upang mapadali ang koordinasyon sa ASEAN, gayundin sa mga pangunahing organisasyon ng pribadong sektor at mga institusyong pang-akademiko sa buong rehiyon ng ASEAN.
Nagsagawa ng pull-aside meeting si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasama si Harris pagkatapos ng ASEAN-US Summit sa Jakarta, Indonesia kamakalawa.
Pareho silang sumang-ayon na magtulungan at kasama ng mga miyembro ng ASEAN upang pasiglahin ang kalakalan at itaguyod ang kapayapaan at pag-unlad ng rehiyon.