Nagkasundo ang mga bansang Pilipinas, US at Japan na palakasin pa ang kanilang kooperasyon kaugnay ng lumalaking military activities sa South China Sea.
Nangyari ito sa isang maikling pag-uusap sa gala dinner para sa tatlong araw na ASEAN Summit sa Jakarta, Indonesia, na dinaluhan nina Japan Prime Minister Fumio Kishida, U.S. Vice President Kamala Harris at si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sina Kishida, Harris at Marcos, gayundin si Chinese Premier Li Qiang, ay nakatakdang dumalo sa 18-member East Asia Summit ngayong araw.
Inaasahang magsasama-sama ang mga ASEAN leaders at kanilang mga counterparts mula sa association’s regional partners, na kinabibilangan din ng Australia, India, New Zealand, Russia at South Korea.