May mga bagong mukha na siyang gagabay sa kampanya ng Gilas Pilipinas sa papalapit na Asian Games.
Bukod sa pagkakatalaga kay Tim Cone bilang siyang gagabay sa koponan, malaki rin ang magiging papel nina Richard del Rosario, LA Tenorio at dating coach at ngayon ay team executive na si Alfrancis Chua sa bagong komposisyon ng Gilas team sa Asiad na gagawin sa Hangzhou mula 23 ng Setyembre hanggang 8 ng Oktubre.
Sina Del Rosario at Tenorio ang magiging bagong boses sa likod ni Cone, na magbabalik sa kanyang ikalawang Asian Games.
Noong 1998, giniyahan ni Cone ang Centennial Team para maiuwi ang bronze medal sa Asiad. Ito ang kahuli hulihang beses na naguwi ng medalya ang Pilipinas sa quadrennial meet basketball tournament.
Bukod sa Ginebra, nakasama na rin ni Cone si Del Rosario sa Southeast Asian Games noong 2019, habang magkakaroon naman ng pagkakataon si Tenorio, dating miyembro ng Gilas at naging bayani sa kanilang pagkakapanalo sa William Jones Cup noong 2012 ang mapabilang sa coaching staff.
“Given the time frame, only two weeks before we play, when coach Al (Chua) spoke to me, we needed someone right now. I talked to Chot, and he gave me his blessing. He told me he thought I was the best guy for the job so that’s given me a lot of confidence,” Cone said.
“We’re looking truly at just 12 players. We’re about eight or nine deep right now. We don’t have a firm 12 right now.”
Inaasahang muling mapapabilang sa Gilas team nag mga miyembro na naglaro sa FIBA World Cup na sina June Mar Fajardo, Japeth Aguilar at Scottie Thompson.
May pagbabagao namang mangyayari sa line up na naunang isinumite ng Philippine Olympic Committee.
Magaanunsiyo pa ang Gilas ng kanilang iba pang players sa susunod na mga araw kung saan maghahabol sila ng ensayo bago tumulak papuntang Asian Games.