KINOMPIRMA ng tagapagsalita para sa West Philippine Sea, Coast Guard Commodore Jay Tarriela na isa na naman insidente ng pambu-bully na kinasasangkutan ng mga Chinese maritime personnel sa Philippine Coast Guard sa kanilang routine Rotation and Resupply (RoRe) mission sa Ayungin Shoal kahapon.
Aniya, muling tumulong ang PCG sa nakagawiang Rore mission sa Ayungin Shoal na isinagawa ng Armed Forces of the Philippines (AFP), at nag-deploy ito ng dalawang 44-meter vessels, ang BRP Cabra (MRRV-4409) at BRP Sindangan (MRRV-4407). , bilang mga escort ship para sa mga resupply boat
“The routine RoRe mission was again subjected to dangerous maneuvers by the four China Coast Guard (CCG 21616, CCG 21551, CCG 21556, and CCG 5305) and four Chinese Maritime Militia (QIONG SANSHA YU 00231, QIONG SANSHA YU 00115, QIONG SANSHA YU 00114, and QIONG SANSHA YU 00008), jeopardizing the crew members’ safety aboard the PCG vessels and Philippine resupply boats,” sabi ni Tarriela sa isang kalatas.
Sa kabila ng mga mapanghamong pangyayari na dulot ng illegal na presensya at aktibidad ng CCG at CMM sa ating eksklusibong sonang pang-ekonomiya, sinabi ni Tarriela na matagumpay na naisagawa ang misyon at naihatid ang mga kinakailangang suplay sa ating dedikadong tropa sakay ng BRP Sierra Madre.
“The PCG stands shoulder-to-shoulder with the AFP in our shared commitment to safeguarding our sovereignty, sovereign rights, and maritime jurisdiction in accordance with international law, particularly the 1982 UN Convention on the Law of the Sea or UNCLOS and the 2016 Arbitral Award and other relevant international instruments, including the 1972 Convention on the International Regulations for Preventing Collisions at Sea.
“The PCG calls upon the CCG and CMM to immediately cease any illegal activities within the maritime zones of the Philippines. Doing so can foster a stable, secure, and rules-based maritime order conducive to regional cooperation and peace,” sabi ni Tarriela.
Pinanindigan niya na “sa ilalim ng pamumuno ng Commandant, Coast Guard Admiral Artemio Abu, sinusuportahan ng PCG ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ginawa noong katatapos na ASEAN Summit, para sa mga bansa sa Southeast Asia na magkaisa laban sa paggamit ng baybayin. bantay at maritime militia vessels sa South China Sea para ituloy ang mga claim na hindi naaayon sa international law.”
Napakatagal ng problema ang pag-aabuso ng China sa West Philippine Sea (WPS) at hanggang ngayon, walang nakikitang solusyon ang pamahalaan ng Pilipinas paano mapasusunod ang Beijing sa UNCLOS at 2016 arbitration ruling.
Kung si maritime expert Jay Batongbacal, maaaring gamiting formula ang naging karanasan ng Nicaragua laban sa US.
Nagkaroon aniya ng kaso ang Nicaragua laban sa US, natalo ang US at ayaw din niyang iimplement ‘yong judgement na ‘yon ng International Court of Justice, ani Batongbacal sa panayam kay Ted Failon kamakailan.
“So dahil doon ang Nicaragua, naghain ng mga resolusyon din sa UN General Assembly. Pero yung una nilang paghain medyo ano rin. Dahil malakas nga ang impluwensya ng US, medyo mahina ang naging suporta ng Nicaragua. Pero ang ginawa nila, paulit-ulit sila ngayon,”
“For the next 20 years inihahain ‘yung resolusyon. At sa tagal na ‘yon, nagbago, nagshift na ‘yong suporta ng mga bansa. And eventually kahit ang United States ay nahirapan na kasi taon-taon kinakaharap nga itong resolusyon ng Nicaragua. Tuloy, napipilitan siyang makipag deal, makipag transact na para nga ma-maintain ‘yong support ‘no. In the end parang mas malaki pa ‘yong gastos niya para do’n kaysa kung simpleng tatapusin nalang niya ‘yong dahilan kung bakit ginagawa ng Nicaragua ‘yon.”
“Kaya ang ginawa niya, (US) nakipag deal na lang siya sa Nicaragua para nga matigil na ‘yong complaint ng Nicaragua. So ‘yong hinihiling ng Nicaragua na compensation na napanalo nila sa kaso eh nakuha nila sa ibang paraan bale. Parang dahil nga ang US naging concerned siya na ‘yong reputation ay nasisira dahil do’n. So imbes na magpatuloy ‘yong NIcaragua for another 20 years, nagdecide sila na hindi, ibigay nalang natin ‘yong kanilang hinihiling na compensation sa ibang paraan. So dinaan nila ‘yon sa aid and assistance instead, kaya natigil ang Nicaragua,” paliwanag ni Batongbacal
Kaya sa simpleng paliwanag, “if there’s a will, there’s a way.”