Sinorpresa ni social media influencer at aktres na si Ivana Alawi ang kanyang nakababatang kapatid na si Mona sa kaarawan nito ng isang Ford SUV na nagkakahalaga ng mahigit P1.5 milyon bilang birthday gift.
“Happy birthday to my bestie. Papakabait na ako promise wala na muna pranks. Enjoy your new car,” sabi ni Ivana sa Instagram.
Ipinaskil niya ang larawan ng kotse na nakasakay siya at si Mona na nakasungaw mula sa sunroof nito.
Kaugnay nito, ikinuwento ni Ivana sa YouTube, kung paano niya naisip na kotse ang iregalo kay Mona.
“Si Mona, may tsinetsek siyang kotse, ito nga ‘yung Ford Territory. Gustong-gusto niya ‘yan pero ipon daw siya. Naisip ko, bilin na lang natin tapos ibigay na lang natin,” sabi niya sa kanyang vlog.
“She’s studying hard. Nilalampasan niya ‘yung sakit niya. And she’s fighting hard,” dagdag ni Ivana