Inihayag ni US Pres Joe Biden ang kanyang pagkadismaya sa hindi pagdalo ni Chinese President Xi Jinping sa G20 summit.
Ayon kay Biden, nais niyang personal na makita si Xi sa naturang pagpupulong.
Nakatakda kasing magtungo ang US Pres sa India mula Settembre 7 – 10 para sa Group of 20(G20) summit.
Habang nauna nang naglabas ng impormasyon ang China na si Chinese Premier Li Qiang ang magiging kinatawan ni Xi sa naturang pagpupulong.
Ang naturang pulong ay kinabibilangan ng mga bansang Argentina, Australia, Brazil, Canada, China, France, European Union, at iba pa.
Matapos ang pagdalo ni Biden sa G20, inaasahang magtutungo siya sa Vietnam upang patatagin pa lalo ang relasyon ng dalawang bansa.