Tanging ang India lamang ang bansa sa Asya na may kakayahang brasuhin ang China.
Sinabi ito ni political analyst at UST Political Science Professor Marlon Villarin kasunod ng paglabas ng China ng kanilang bagong 10-dash line map kamakailan.
Paliwanag ni Villarin, kabilang sa mahahalagang trade routes sa India na importante sa China ay ang Indian Ocean .
May tensyon din na namamagitan sa China at India sa usapin ng kalakalan ngunt hindi makapapalag ang Beijing sa New Delhi dahil ang pangunahing daanan ng kanilang mga produkto at iba pang export activities ay sa Indian Ocean.
“Within Asia, India ang may kakayahang brasuhin ang China because kung tatandaan natin ang Indian Ocean at other important trade routes in India ay very crucial sa Chinese economy and in fact, India and China, mayroong tension din yan in terms of trade, and to cut it short, talagang tame ang China pagdating sa India,” sabi ni Villarin sa digital program ng Daily Tribune sa Hot Patatas noong Biyernes.
“India has the ability to use – mayroon silang leverage against China, kung ang bansang India ang papalag dito, it is a very good gesture kasi definitely kung pumalag ang European Union, walang mangyayari ‘dyan because lahat ng daluyan at body of waters na dinadaanan ng commodities at other export activities ng China ay nasa Indian area,” dagdag niya.
Nakalulungkot aniya na habang tindig-labuyo ang Amerika laban sa pangangamkam ng Beijing sa South China (SCS), ang United Kingdom naman ay malamya sa ginagawang pananakop ng China .
“Ang nakakalungkot is that while Amerika is angry over China’s intrusion eto namang United Kingdom bigla namang sinabi na “It is not really good to escalate China.”paliwanag ni Villarin.
Para sa India, hindi na bago ang pag-angkin ng Beijing sa mga teritoryo ng kanilang bansa.
Nauna nang naghain ng protesta ang India laban sa Beijing kaugnay sa inilabas ng Beijing na mapa na nagpakitang ang buong Arunachal Pradesh at ang Aksai Chin region ay bahagi ng China.
Ang Arunachal Pradesh ay isang northeastern state ng India, na ayon sa China, habang ang Aksai Chin region ay parte ng pinag-aagawang Jammu at Kashmir at nanananatiling kontrolado ng Beijing sa mahabang panahon.
“Indian territories is an old habit of China,” ayon sa New Delhi na inilathala sa news website Anadolu Agency.
Habang sa China, nanawagan si Foreign Ministry spokesman Wang Wenbin sa lahat ng bansa, “to view this map in an objective and rational manner.”
Giit ni Wang ang posisyon ng China South China Sea ay “consistent and clear.”
“Updating and releasing various types of standard maps each year is a routine job for competent authorities in China, which aims to provide standard map services for all sectors of society and raise the public’s awareness of the standardized use of maps,” sabi ni Wang base sa ulat ng Beijing-based daily Global Times.
Maging ang Taiwan na sinasabi ng China na kanilang “breakaway province,” nagprotesta rin sa bagong mapa.
Ayon kay Foreign Ministry spokesperson Jeff Liu sa Taipei-based Taiwan News: “Taiwan, the Republic of China, is a sovereign and independent country that is not subordinate to the People’s Republic of China. The People’s Republic of China has never ruled Taiwan. These are universally recognized facts and the status quo in the international community.”
Mula pa noong 1949 ay ipinaglalaban na ng Taipei ang kanilang kalayaan.