Mas type ni Faith da Silva ang mas matanda dahil may feeling of security siyang nararamdaman.
Dati nang naugnay ang 22-year-old Kapuso actress sa beteranong aktor na si Albert Martinez, 62.
Nang nakapanayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) si Faith sa mediacon ng primetime series na Maging Sino Ka Man, binanggit niyang madalas ay matured guys ang nagkakagusto sa kanya.
“Medyo lapitin ako ng mga ganyan. Medyo lapitin ako ng mga may relationship na mga tao, kahit hindi asawa. Kahit may mga dyowa-dyowa lang.
“Siguro kasi akala nila makukuha nila ako, di ba? Pero mataas yung respeto ko sa sarili ko, e,” pahayag ni Faith.
Matagal na raw siyang single. Pero kung sakaling pumasok siya sa panibagong relasyon, mas gusto niyang mas matanda sa kanya.
“Mas prefer ko pa rin yung mature na guys. Mas tinututukan ako, mas nasusuportahan ako, at saka feeling ko, mag-a-align kami,” paliwanag ng Kapuso actress.
Naniniwala si Faith na mas maggu-grow siya kung lalaking mas matanda sa kanya ang makakarelasyon niya.
“Kasi ang feeling ko, merong magga-guide and magpu-protect sa akin bilang isang babae, di ba?
“Ako kasi, pag relationship ang pinag-uusapan, kailangan mag-benefit ako from you. Hindi lang material things. Kailangan yung growth ko bilang isang tao, nandodoon din.
“Siyempre yung suportahan natin. Siyempre ngayon, mostly career talaga yung pina-prioritize ko.
“And I could see, magtu-two years na ako walang ka-text, walang ka-chat, walang anything,” nakangiti niyang pahayag.
Umiiwas lang daw si Faith sa lalaking may sabit. Kadalasan kapag nasa matured men, may asawa o merong ibang karelasyon, di ba?
“Hindi ako makipag-relationship with someone na alam ko hanggang dito lang,” diin ni Faith.
“Kailangan, kahit in the future, kahit na… kasi parang, since ang tagal ko na nga po na naging single, tumaas na yung self-respect ko. So, hindi ko hahayaan na mapunta ako sa ganung sitwasyon.
“Siguro, kahit man lang ano sana, annulled or divorced, di ba? O kahit mag break muna kayo saka mo ako kausapin.”
Nang tanungin ng PEP.ph si Faith kung ano talaga ang namagitan sa kanila ni Albert Martinez, na nakasama niya sa Kapuso afternoon drama series na Las Hermanas. Totoo bang na-in love siya sa beteranong aktor?
“Siyempre yung kay Direk Albert, I can only answer for myself, di ba?” pasakalye ni Faith.
“Kung ma-fall, siguro masyado pang malalim para sabihin kung ma-fall ako. Pero yung appreciation ko sa kanya, at siguro sa pagkagusto ko sa kanya nung mga time na yun, it was really there.
“It was apparent naman sa akin.
“Pero mahirap yung sitwasyon kasi siyempre biyudo po siya. At saka mahal na mahal niya po talaga yung wife niya. Na kapag nag-uusap po kaming dalawa, siya po lagi niyang kinukuwento.”
(pep.ph)