Nababahala si House Ways and Means chairman at Albay Representative Joey Salceda na mayruong negatibong epekto ang pagpapatupad ng price cap sa bigas.
Ayon sa mambabatas, kung nais maiwasan ang anumang kakulangan sa suplay ng bigas, ang price cap ay dapat na mas mataas kaysa sa equilibrium price.
” If you impose a price ceiling but some areas have less rice than they need, you will see supply problems in the rice-deficit areas. So, supply monitoring must also be localized and some augmentation must take place in rice-deficient areas,” saad ni Salceda.
Dagdag niya, upang maiwasan umano ang kakulangan ng suplay ay dapat tiyakin ng Department of Agriculture na mayroong sapat na suplay sa pamilihan sa buong bansa at ang gagawing monitoring sa suplay ay hindi lamang dapat dito sa national level kundi sa local level din ng sa gayon maiwasan na magkaroon ng problema.
” Of course, a rice price ceiling is a signal to those who wish to do price speculation that there is little profit in doing that. In that sense, it will help prevent hoarding,” sabi ng mambabatas.
Giit pa niya, maganda ang layunin ng gobyerno sa pagpapatupad ng “price ceilings” sa bigas sa buong bansa, kung saan matutugunan nito ang pang-aabuso sa kapangyarihan sa merkado.
Sinabi ni Salceda na mayroon umanong ilang arbitrage at hindi nararapat na padding of margins sa nasabing sektor, at ang price ceiling sa bigas ay makakatulong na matigil ang ganid na pag-uugali ng ilang mga negosyante.