Inamin ng model at aktres na si Solenn Heussaff na ang pagiging “padede” mom o nagpapa-breastfeed ang isa sa pinakamahirap na gawain ng isang ina.
“To Breastfeed. May be one of the hardest parts of motherhood,” saad ni Solenn sa kanyang IG. “Some have it easier than others, but it is still a long journey, painful many times and also rewarding.”
Inisa-isa rin ni Solenn ang mga nararanasan niya sa panahon na nagbe-breastfeed siya sa kanyang anak.
“Clogg ducts, breast pain, sleepless nights, endless questions and self doubts are just a fraction of what you will feel. But these moments are everything,” sabi ng aktes.
Pero giit niya, ang mahalaga umano ay ang nagiging matibay ang bonding at relasyon nila ng kanyang anak.
“The bond is greater than any you will ever encounter. Whether you are breastfeeding for 1 week or 3 years, these moments are everything.”
“Happy Breastfeeding month mommas!” pagbati pa niya.
Sa huli ay ibinunyag niya na isa siya sa mga hindi pinagpala na magkaroon ng sapat na suplay ng breastmilk, pero ang kanyang naging sikreto ay ang pag-inom niya ng malunggay capsules.
Bukod kay Solenn, isa pang celebrity mom na nagdiriwang ng “Breastfeeding Month” ay ang batikang aktres na si Iza Calzado.
Sa recent post ni Iza, inamin din niya na nagkukulang siya sa pag-produce ng breastmilk.
Pero hindi raw siya nababahala dahil marami naman daw ang to the rescue upang punan ang kinakailangang nutrisyon ng kanyang anak.