Usap-usapan—ngunit hindi kumpirmado ng PEP.ph—na may kinalaman ang sigalot ni KC Concepcion sa kanyang pamilya sa napapabalitang relasyon ni KC sa negosyanteng si Mike Wuetrich.
Base sa nakalap ng PEP.ph mula sa dalawang sources, hindi lubusang tanggap nina Sharon, Kiko, at Frankie Pangilinan ang relasyon ni KC sa Filipino-Swiss boyfriend nito. Ngunit tila kailangan pang palamnan ang anggulong ito bago mapaniwalaan.
Ganunpaman, ito umano ang dahilan kaya in-unfollow ni KC sina Kiko at Frankie sa Instagram.
Sa kabilang banda, walang nababanggit sina Sharon at Kiko sa usaping love life ni KC sa anumang social media.
Agosto 29 nang magsalita si KC tungkol sa pag-unfollow niya sa kanyang stepdad at half-sister.
Sinabi lamang ni KC na ginawa niya iyon para sa kanyang “peace of mind.”
Aminado naman si KC na hindi siya perpekto at may pagkukulang din bilang anak.
Pero diin din ni KC, buong buhay niya ay sinunod niya ang gusto ng kanyang pamilya para sa kanya.
Sa huli, nanindigan si KC na siya ay nasa tamang edad na upang mag-set ng boundaries para sa sarili at unahin ang kanyang “mental health” at umiwas sa “drama.”
(pep.ph)