Tila wala palang saysay ang regalong trinity ring ngayong desperado na ang aktres na si Kris Aquino na putulin ang koneksyon nila ng Vice Governor ng Batangas na si Mark Leviste.
Sa Instagram story ni Aquino noong 1 Setyembre na ipinakita ang kanyang mga text sa Vice Governor, sinabi niya na nasa “more peaceful” state na siya at hindi na kailangang mag reach-out ni Leviste.
“Marc, aren’t you tired of unanswered messages? It took me two weeks and a half to feel that I no longer really feel the need to keep communication lines open with you,” aniya.
Dagdag ni Aquino, nawala na rin daw ang pagnanais na malaman kung ano na ang kinalalagyan ng Vice Governor.
Ipinaliwanag ng aktres na hindi siya naiimpluwensiyahan ng kahit sino at sadyang nahumaling lang siya muli sa dati niyang routine na nakakatulong sa kanya na maka-cope sa paghihirap sa kanyang karamdaman.
“It’s just that I’ve fallen back to my pattern of reading a new book every 2-3 days, reading NYT, and the magazines I like,” paliwanag ni Aquino.
Nagreply si Leviste sa mensahe ngunit isang bahagi lang nito ang nakita sa screenshot.
“I don’t know exactly how to respond to your message, but in my heart and in my head, I…,”
Noon lamang 28 Hulyo ay namataan ng followers ni Leviste ang kanyang 18K Cartier trinity ring sa kanyang Instagram post.
Inamin ni Aquino na sa kanya ito nanggaling at sumisimbolo ito sa kanilang love, friendship, at fidelity.
Kinumpirma rin ng aktres ang kanilang hiwalayan noong Hulyo.