Makikita sa inilabas na resulta ng Pulse Asia Survey na apat sa sampung Pilipino ang hindi satisfied sa ipinapatupad na Senior High School (SHS) program sa bansa.
Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, malinaw lang nitong ipinapakita na hindi naging matagumpay ang layunin ng Senior High School Program na gawing “college-ready” at “work-ready” ang mga mag-aaral.
Dagdag pa niya, imbes na makatulong ang dagdag na dalawang taon ay naging pabigat pa ito sa mga magulang dahil sa gastos na dulot nito.
Kaugnay nito, itinutulak niya ang pagsasabatas ng Batang Magaling Act o Senate Bill No. 2022 upang masolusyunan ang mismatch sa kasanayan at pangangailangan sa labor market.